
Are you curious if who is the first person who heard my first YES!? Well, if you are familiar to Jamil G. Repors, he was the first person who became my first boyfriend. Hindi kapani-paniwala no? ewan ko nga kung bakit naging kami. Basta ang natatandaan ko lang, naging best friends kami. Tinutulungan ko siya sa aming mga assignments at tuwing may quiz kami, pinakokopya ko siya! Hehehe. Pagkatapos ng aming klase, binibigyan niya ako ng load at text kami nang text hanggang noong March 3, 2006, nagtapat na siya at sinabing hindi lang best friend ang turing niya kundi nararamdaman niya sa akin ay pag-ibig na! Char!! Hehe. At first, hindi talaga ako makapaniwala sa tinext niya. Hinintay ko talaga na sabihin niya sa personal ngunit hindi ako nabigo. Sinabi niya ang nararamdaman niya ng harap-harapan at saka doon pa ako naniwala dahil nakita kong seryoso siya sa panliligaw. Usap-usapan na nga sa amin na kami na raw dahil sweet na sweet na RAW kami pero sa katunayan, hindi naman talaga. Tuwing recess time, sinasama niya ako at ang aking best friend na si Crizze’le para mag-merienda at siyempre nililibre niya kami. Sa kanyang panliligaw, naramdaman ko talaga na para akong princessa! Ang ganda ko!! Haha.. tumagal rin ng isang buwan ang kanyang panliligaw. Hanggang noong Abril 2, 2006, sinagot ko na siya. Kinabukasan noon ay pumunta ang aking ama sa aming paaralan dahil Recognition Day namin at siya ang magsasabit ng aking medalya. Nais sana ni Jamil na ipakilala ko siya sa aking ama pero siyempre ayaw ko dahil hindi alam ng aking ama na ako’y may kasintahan na.
Ang aming relasyon ay hindi nga talaga tumagal dahil sinagot ko siya ng matapos na ang aming klase. So, naudlot na ang aming love affair. Kung sa bagay, ok lang iyon kasi habang bakasyon, nabalitaan kong niligawan niya si Kate Joy at napag-desisyonan ko na hiwalayan siya. Diyan na nagtatapos ang aming relasyon bilang magkasintahan pero ang pagkakaibigan ay nanatili pa rin. Actually, iilan lamang ang nasabihan ko na naging kami ni Jamil. Sa tuwing sinasabi ni Jam sa aming mga kaklase ang aming nakaraan, deny to the max talaga ako!!!hehe
Hmmmp!Sino pa nga ang naging boy friend ko? Ay! Naalala ko na!
Nakilala ko si Jay Tejada noong kami’y nasa 3rd year high school pa lamang. Sa katunayan, hindi talaga ako interesado sa kanya dahil napapabalita sa aming seksyon na humahanga siya sa aking kaklase na si Jennifer Ordinario! (Magkapangalan pa talaga kami ano!? Hehe..) Nang isang araw, nakita ko siyang sumasayaw kasama ang aking naging textmate noon na si Ely. Nakita ko ang kanyang angking talento kaya humanga ako sa kanya. Palagi ko siyang sinisilip sa bintana dahil ang aming classrooms ay magkaharap lang. ewan ko ba! Hindi naman talaga ako obsess sa kanya. Naging magtextmates kami at sa tuwing nagkikita kami sa paaralan, naiinis talaga ako dahil hindi niya ako pinapansin na kung tutuusin, feeling close naman talaga siya sa tuwing nagtetext kami. Makailang ulit na kaming nag-away nito. Ako talaga ang parating humihingi ng tawad kahit hindi ako ang may kasalanan! (Feeling gwapo talaga ang lalaking ito.!) Dahil sa mga misunderstandings, ayaw ko na sa kanya. Oo nga’t magaling siyang sumayaw pero ang pangit naman ng ugali!!!
Araw iyon ng mga puso at talagang masusuwerte ang may mga kasintahan dahil mabibigyan sila ng tsokolate at bulaklak!( Hahay! Nakakainggit! Sana mabigyan din ako.)Sa hapong ding iyon, isang pangyayari ang hindi ko inaasahan. Tinawag ako ni Jay at pinapunta sa harapan ng kanilang silid. And guess what, binigyan niya ako ng sulat at flower(peke pa jud na bulak! How cheap!haha. pero ok lang at least naa!).. talagang masaya ako. Nang nabasa ko ang sulat, parang naramdaman ko na hindi iyon para sa akin. Siguro para iyon kay Jennifer Ordinario at wala siyang lakas ng loob na ibigay kaya sa akin na lang niya ito ibinigay!
Isang araw ay nabalitaan kong may kasintahan na siya at ang babaeng ito ay nagngangalang Melissa Andrade. Sila ay magkaklase. Actually, hindi naman ako nasaktan kahit kunti. Marahil ay wala na akong paghanga sa kanya.
Bakasyon na noon at nagtetext kami upang kumustahin ang isa’t isa. Sinabi niya sa akin na niligawan niya si Melissa dahil wala siyang lakas ng loob na manligaw kay Jennifer Ordinario. Sinabi rin niya ang kanyang Top 3 crushes. 1. Jennifer Ordinario, 2. Melissa Andrade at 3. ako! Sa ginawa niyang pag-amin, parang hindi ako nasiyahan sapagkat niligawan niya ang isang Melissa na ang tunay pala niyang gusto ay isang Jennifer Ordinario.! (Salawahan talaga ng lalaking ito!!!) Ika nga nila, lahat ng lalaki ay may reserba! Makalipas ang ilang linggo, binalita ni Jay sa akin na hiniwalayan na siya ni Melissa. No comment naman ako kasi wala naman talaga akong masasabi.

>>Setyembre 21, 2007, muli siyang nagparamdam at sinabing nais niya akong ligawan. In the 1st place, tumanggi na ako dahil ayaw kong magkaroon ng boy friend na katulad niyang chick boy! Busted nga siya eh! Noong Setyembre 23, 2007, sinuyo niya akong ulit ngunit ayaw ko talaga. Si Reian ang nagsabi sa akin na bigyan ko raw ng pagkakataon si Jay kaya pinayagan ko “nalang” siya. Kinabukasan noon ay nag-usap kami at talagang willing siyang manligaw. Hinintay niyang matapos ang aking klase, siya ang nagdala ng aking bag at hinatid niya ako sa aming terminal. Ito na ang kinagawian niya sa araw-araw. Isang buwan din siyang nanligaw. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Oktobre 23,2007 ang matamis kung “OO” ay narinig na nga niya. Ang kanyang paghihirap ay nagbunga na rin. Sa unang buwan ng aming relasyon, ok naman, happy naman kami ngunit hindi naman mawawala sa akin ang ma-guilty dahil hiniwalayan ni Jay si Mel! (si Jay pa jud ang nakipagbulag! Kapal kayo!hehe) hindi ko alam kung bakit ako na-giguilty. Siguro ay wala akong ideya kung paano hiniwalayan ni Jay si Mel at kailan. Napansin ko nalang na hindi na sila nagpapansinan at mukhang mapait ang pagtatapos ng kanilang relasyon. Ako kaya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay?
Sa pagdaan ng ilang mga buwan, marami akong natuklasang mga lihim ni Jay. Basta marami siyang lihim at ayaw ko ng balikan pa. Naging tanga ako dahil pinatawad ko pa siya. (Ganoon talaga ako eh! Maunawain! Hehe). Makailang ulit ko nga siyang muntik hiwalayan pero naaawa ako sa kanya kaya, patuloy pa rin ang aming naging relasyon. May isang pagkakataon na nagkakilala na ang aming mga magulang! Ipinakilala ko siya sa aking ina at gayon din ang kanyang ina.
Sa bawat paghihirap ko bilang treasurer, tumutulong din siya sa akin sa pangongolekta lalo na noong malapit na ang aming graduation. Mabait naman siya “MINSAN”! Hehe.. noong nawala ang aking cp with cam, tinulungan niya akong hanapin iyong tricycle na sinakyan namin. Kasama ko rin siya noong uminom ako ng beer dahil na-depress ako noong nawala ang cp ko. (bad influence siya no! Jeje) at isa pa, naging kapareha ko siya sa aming Senior’s night. In fairness, gentle man talaga siya dahil sinundo pa niya ako sa labas ng AJ Hi-Time Hotel at sabay kaming umakyat sa hagdanan! (parang iyong napapanood ko sa fairy tale! Jeje).
Sa kabila ng mga masasaya at malulungkot na pangyayaring ito, nagwakas rin ang aming relasyon pagkaraan ng 7 buwan. Marahil tama nga ang sabi ng ilan na hindi siya marunong humawak ng relasyon. Hindi ko naman talaga inasam na siya na ang makakasama ko habang buhay. Hindi ko naman talaga siya minahal ng todo-todo. Basta magkasama kami, go with the flow lang naman ako. Ahehe!! (ang bad ko rin pala noh!?)
!!!!>>>May trivia ako sa inyo!, hanggang ngayon ay hindi pa alam ni Jay ang naging past namin ni Jamil. Lagi niya akong tinatanong tungkol sa amin ni Jam pero deny to the max pa rin ako! Hehe.
Ang masasabi ko lang sa ngayon, parang hindi ko pa yata panahon para umibig. Darating lang ang tamang panahon na susuwertehen ako. Alam kong ang aking “MR. RIGHT” ay hinahanap na ako at sa tamang oras at panahon, magtatagpo na ang aming landas at uumpisahan na ang aming fairy tale love story na magtatagal habang buhay!! (^^,)
No comments:
Post a Comment