Monday, December 15, 2008

TRAINING EXPERIENCE: October 21,2008


>>Araw na naman ng training. Exercise… exercise… exercise… kakapagod na! at ang pinakaayaw ko, mag-jojogging na naman! Ako ay naatasang maging GUIDON sa araw na iyon at si m8 Gaspar naman an gaming squadron commnder! Sa kanyang pamumuno, talagang napahamak kami dahil naabutan na kami ng sikat ng araw bago pa kami nakapag-jogging!Sa wakas, nakapag-jogging na kami. Ayaw ko talagang huminto sa pagtakbo kasi siyempre guidon ako at dapat lagi akong nasa harapan. Ilang kilometro na rin ang aking tinakbo at parang nandidilim na ang aking paningin at pati ang aking hininga ay hinahabol ko na rin. Sa tingin ko’y hihimatayin na yata ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Hanggang sa hindi ko na talaga makayanan at hinimatay na talaga akong tuluyan! Kakahiya talaga! Sumali ako sa training pero hindi naman kaya ng aking katawan!! Huhu!!Salamat talaga dahil tinulungan ako nila m8 Estobal, m8 Ortega, m8 Dalugdugan at higit sa lahat, si Ma’am Quirino nang natumba ako! Si Ma’am Quirino ang nagsilbi ong gabay pabali sa kampo! Ang sabi niya, kung hindi ko raw kaya ang pinagagawa sa akin, hindi ko na raw dapat pilitin ang sarili ko. Hindi naman daw ako papatayin kung talagang hindi ko kaya ang mag-jogging!Pagdating namin sa kampo, pinaligo na ako. Marahil daw nagkaganoon ako dahil hindi ako naligo nung nakaraang gabi. Sinamahan ako ni m8 Sentinallosa at kaming dalawa ang unang naligo.Sa buong araw naman, wala kaming ginawa kundi ang mgadrillings. Nararamdaman ko na talaga ang matinding init. Mula umaga hanggang hapon, liko sa kanan, liko sa kaliwa, pasulong, patakda, yan lang ang ginagawa namin.

No comments:

Post a Comment