Monday, December 15, 2008

TRAINING EXPERIENCE: October 19,2008


>>Maaga pa lang, gising na ako. Marahil excited na ako sa aming training. Dumating ako sa CDK ng pasado alas siyete ng umaga at ako pa lang ang tao roon. Pagkaraan ng ilang minuto, dumating si M8 Dinopol at pumunta kami sa aming meeting place. Nandoon na si M8 Palmes. Tinanong niya ako kung nasaulo ko na ang mga knowlwdges sa PAF at sinabi kong hindi pa, kaya naman dagli naming pinaphotocopy ang kopya niya. Naramdaman ko talaga na behind na kami sa kanila. Habang nasa biyahe, kaming dalawa ni Bommin ay panay ang pagsasaulo sa PAF knowledges. Pagkaraan ng ilang oras habang nasa biyahe, sumuka si Bommin. Eww talaga kasikatabi ko siya!!! Tanghali na noon ng dumating kami sa GenSan at nagtanghalian kami sa isang carenderia. Wala talaga kaming ganang kumain ni Bommin dahil kapwa kami nasusuka. Bago kami sumakay sa van, sumaka muna kami!! (Eww talaga!!! Hehe)Finally, dumating na kami sa dapat naming patutunguhan! Nasa Rajah Buayan Air Station na kami. Mga taga-Kidapawan pa lang ang mga nandoon. Pinapasok naman kami at naghintay sa isang tabi. Habang naghihintay sa aming mga kasamahan na taga-RMMC at SPTI, nag-usap-usap muna kami. Bonding moments, ika nga nila. Habang nag-uusap kami ni m8 CaƱada, napansin ko nalang na nasira nap ala ang sapatos at wala talaga akong extra na sapatos. No choice talaga ako, kinapalan ko na talaga ang mukha ko at namghiram ako ng sapatos sa kanya at pinahiram niya ako ng kanyang sapatos kahit bago pa lang kaming magkakilala.At dumating na nga an gaming hinihintay. Dumating na ang taga- RMMC at laking gulat ko nang Makita ko ang mga babaeng maiikli ang mga buhok at ang mga lalaking may proper haircut. Snappy nga talaga sila habang kami, tulala at namangha.Pinapunta na kami sa kanya-kanyang barracks naming at nagbihis. Inatasan kaming maglinis at talagang minalas ako dahil sa CR pa ang lugar na aming lilinisan. Pagkakita ko sa lugar, yackie talaga!! Ang cubicle ay puno ng sapot ng mga gagamba, ang sahig ay talagang madumi at ang tubig, wala kang masasabi. Sa bawat labas ng tubig sa gripo, may kasama rin itong lumot! EeWw!! Inabutan talaga kami ng gabi sa paglilinis ng maruming CR na iyon. Nagpahinga muna kami tapos pinapunta kami sa mess hall para kumain. Boodles fight ang nangyari. Talagang marami ang pagkain at parang hindi ns talaga naming maubos ang mga ito. Ngunit kailangan talaga naming ubusin iyon kaya binanatan na naming ng kain. Pagkatapos noon ay nagsipilyo na kami. At alam niyo ba kung ano ang ginamit naming tubig sa pagsisipilyo? Iyong tubig na may lumot!!!!

No comments:

Post a Comment