>> Gaya rin ng dati, exercise at jogging ang umpisa ng araw namin. At gaya rin ng dati, dying pa rin ako sa jogging. Napapansin kong umiitim na ako. Sa araw na ito, pinapahanda kami ng isang introductory speech. Sa pagsasanay na ito, mukhang nadadalian ako dahil sanay naman ako sa ganoong bagay. Si m8 Palmes ang naisip kong i-introduce sa pagsasanay na ito at maging siya, ako ang kanyang napiling i-introduce. Ako’y natutuwa dahil siya ay nagpagawa ng speech niya sa akin. Maging si m8 CaƱada ay nagpagawa rin sa akin. Ang pagsasanay na ito ay gagawin sa gabing yaon.
Pagsasanay ng drills and ceremony ang aming ginawa sa umaga at pagkahapon naman ay drill with arms naman ang aming ginawa.
Dumating na nga ang gabi at kami ay nasa classroom na. Pinabunot kami ng numero at ito ay base sa pagkakasunod namin. Ang nabunot kong numero ay 22 ngunit si m8 Jimenez ay kinakabahan at hindi pa natatapos ang kanyang speech kaya nagpalit kami ng numero. 12 na ang number ko. Ang gagaling ng aing mga kaklase swa nasabing pagsasanay na iyon. At ako na nga ang maglalahad ng aking ginawang introductory speech. Tumayo ako ng tuwid at may lakas ng loob, ni hindi ko rin naramdaman ang kaba. Ang sabi ng aking mga kaklase, maganda raw ang pagkakalahad ko kaya natuwa ako. Talagang gumanda ang araw ko. Pagkatapos ng aming pagsasanay, inanunsyo na ni m8 Tapan ang magiging designated area naming sa susunod na araw. At kaming dalawa ni m8 Jaid ang naatasang maglinis sa kubeta. No choice talaga kami kaya bago kami matulog ay naglinis muna kami ng CR. Pagkatapos naming maglininis, sleeping time na!!! good night and sweet dreams mga m8z!!!

No comments:
Post a Comment