Monday, December 15, 2008

TRAINING EXPERIENCE: October 20,2008


>> Unang araw ng totoong training. Ito na ang araw ng reception naming. Si Sgt. Al N. Celomin ang nagbukas ng COQC training. Pagkatapos niyang magsalita, ang mga training staff ay nagsikalat na. Hinati kami sa iba’t ibang grupo. Grabe! Naramdaman ko talaga ang pagod dahil kahit anon a ang pinagagawa sa amin. Roll to the left… roll to the right… jumping jack… pointing the sun with two legs up… pumping at marami pang iba. Hindi kasi ako nasanay sa ganoong bagay o sa madaling salita, HINDI AKO PHYSICALLY FIT at KULANG SA EXERCISE!! Pagkatapos ng aming reception, pinapunta kami sa aming barracks para magbihis at magpahinga. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagpapaghinga, pinapunta na kami sa aming classroom para maglecture kung ano ang rules ang regulations habang nasa training. Hindi naming namalyan na tanghali na pala. Yes!! Oras na para kumain. Sa mess hall na naman ang aming punta. Sinabawan na manok ang naging ulam naming at siyempre, square meal dapat. Naubos na naming ang pagkain at punta na kami sa barracks. Hanggang dumating na ang hapon at sinabihan kami na mag-jojogging! This is my hatest part! I hate jogging! Pero inisip ko na lang na kakayanin ko ito. Sabi ng isip ko na kakyanin ko iyon pero hindi naman makaya ng katawan ko! Siguro mataba na talaga ao! Huhu… Grabe! Ang layo kasi ng runway! Ilang kilometro kaya iyon!? Hindi ko kinaya ang jogging kaya pinabalik na ang mga nahuli doon sa kampo at siyempre nag-exercise kami habang hinihintay an gaming mga kasamahan na makabalik. Ilang minuto rin kaming nag-exercise at sa wakas, dumating na nga sila. Sabi ni Sir Pillo sa amin na pumunta kami sa barracks at MALIGO ANG GUSTONG MALIGO. Syempre ako, wala ako sa mood maligo dahil masakit ang buo kong katawan at masait din ang aking ulo.Gabi na noon at siyempre, kainan na naman! Jeje!! Nang matapos kaming kumain, marahil ay napansin ni Sir Pillo na hindi ako naligo kaya tinanong niya ako kung naligo ako at ano pa ba ang isasagot ko!? Eh di iyong totoo!! Pinatayo niya ako, inutusan na amoyin ang mga classmates ko at sabihin ang hindi naligo! Sa katunayan, hindi ko talaga alam kung sino ang naligo at hindi! Dahil na nga siguro wala ako sa aking sarili, nagturo lang ako nang nagturo kung sinu-sino ang hindi naligo! Pinaalis na iyong mga sinabi kong naligo ngunit ang hindi naligo ay naiwan! Hindi ko alam na may punishment pala! Hay naku!! Wala talaga akong initiative! Pinahamak ko sila! Ang parusa naming, pinainom kami ng tubig. Pinaubos sa amin ang 2 jug ng tubig!! Huhu! Sa bawat baso na aming iniinom, iniisip ko na sana ako na lang ang uminom noon. Ang mga classmates ko ay iba na ang tingin sa akin at tila nagagalit! Binansagan nga ako ni Sir Pillo na “K9” eh! Pagkatapos naming ubusin ang tubig, pinabalik na kami sa barracks! Talagang nahiya talaga ako sa aking nagawa! Feeling ko, TRAYDOR ako!!! Siyempre naiyak ako sa nagawa ko.Habang papunta sa classroom, matamlay ako at parang wala sa sarili. Binigyan kami ng pagkakataon na magsalita at ipakilala ang aming sarili sa aming mga classmates! Siyempre natatakot aong magpakilala dahil ayaw kong malaman ng mga classmates ko ang pangalan ko. Ngunit hindi talaga maiiwasan. It’s my turn na!! Pagpunta sa harapan, talagang nanginginig na ako sa kaba! Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin at interesadong malaman ang aking pangalan. Tapos na akong magsalita sa harapan ngunit sa tingin ko’y kulang pa ang aing nasabi. Nais ko sanang humingi ng tawad sa kanila.Eleksyon na para sa aming BATCH Officer at alam kong hindi ako magiging officer ni ma-nominate ay imposibleng mangyari. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ni-nominate ako ng aking classmate sa posisyong AUDITOR. Pinagsalita ang mga nominado sa harapan at ito na ang pagkakataon kung humingi ng tawad. Hindi ko naman direktang sinabi na SORRY ngunit ang king mga sinabi ay nangangahulugang humihingi ako ng tawad. Botohan na ngunit hindi ako nanalo sa posisyond iyon pero ok lang naman sa akin iyon dahil at least, may naniniwala pa rin sa akin. Ngunit sa posisyong PIO ay nominado na naman ako at sa pagkakataong ito, nanalo na ako! Talagang masaya ako dahil halos ng aking mga kaklase ay binoto ako!!! Kahit na may kamalian aong ginawa, naniwala pa rin sila sa akin!!! LOV u M8s!!!

No comments:

Post a Comment