Monday, December 15, 2008

October 18, 2008: ANG ARAW BAGO ANG TRAINING


>> Ilang oras na lang ang bibilangin bago ang departure namin patungo sa Rajah Buayan Air Station, General Santos City. Sa araw na ito, pinapunta kaming dalawa ni Bommin Sayago ng aming Sir Baliguat sa aming paaralan upang mag-orientation at tuturuan din kami ng ilang mga exercise at kung paano gamoton ang sword at riffle. Pagdating ko sa silid-aralan, ang lugar kung saan kami magkikita, ako pa lamang ang tao roon. Ilang minuto rin ang aking hinintay upang dumating ang aming Sir Baliguat. Pagkaraan ng 30 minuto ay dumating na nga siya. Sinabihan niya ako sa kung ani ang dapat at hindi dapat gawin sa training. hindi ko alam na may isa pa pala kaming hinihintay. Iniwan ako ni Sir Baliguat sa silid at nang dumating na siya, kasama na niya si Sir Albert Cabiles. Siya ang nagturo sa akon king paano ang tamang gamit ng sword. Sa tingin ko'y magaling siyang magturo pero nahihirapan akong ipasok sa ulo ko kubg ano ang tinuturo niya. Sa bawat hampas ng sword sa aking balikat, nararamdaman ko talaga ang matinding sakit. Marahil ako'y naninibago pa. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakukuha ang tinuturo niya sa akin. Sa isang saglit, bigla nalang lumuha ang aking mga mata. Marahil naiyak ako sa hiya. Matagal ko kasing makuha ang tinuturo niya na kung tutuosin, simple lang talaga. Ika na niya, ok lang daw dahil 1st timer pa naman ako. Nang makita niyang medyo nakukuha ko na ang tinuro niya, paggamit naman ng riffle ang tinuro niya sa akin. Madali nalang a akin na isaulo ang paggamit ng riffle dahil tinuruan na kami ni Sir Baliguat. Makaraan ang ilang minuto, dumating ang taong hindi ko inaasahan. Siya ay si m8 Johnny Dinopol, na nag-aaral sa Colegio de Kidapawan at siya ay isa sa makakasama ko sa training. Then, napagdesisyonan nila Sir Baliguat ay Sir Cabiles na kumain muna kami sa canteen. Nag-usap muna kami roon at nagkaroon ako ng ideya kung ano ang mga maaaring gawin namin sa training. Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa boarding house ni Sir Baliguat upang manghiram ng uniporme. Nagtaka nalang ako dahil tinulungan ako ni Sir Cabiles na isuot ang uniporme! (How sweet diba!?hehe) Tinanong niya ako kung ano ang apelyido ko at ang isinagot ko naman ay SANTIAGO, tinanong na naman niya ako kung kaanu-ano ko si Pedro Santiago, Jr at sinabi long siya ang aking ama. Hindi ko inaasahan na magkakilala pala sila na aking ama!! (What a small world!!!)

No comments:

Post a Comment